RFID sa ANHS, activated na!
Matagumpay ang naging installation ng RFID System (Radio Frequency Identification) sa Alitagtag National High School.. Naglaan po tayo ng pondo mula sa lokal na pamahalaan para sa makabagong sistemang ito na naglalayong mas masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral kung saan mabilis na mamomonitor ng kanilang magulang ang oras ng pagpasok at paglabas ng kanilang mga anak sa paaralan. Sa pagpasok ng bata, kailangan niyang i-tap ang kanyang id card at sa oras ding iyon ay makakatanggap ng text message ang kanyang magulang na siya ay nasa loob na ng paaralan. Gayundin naman ang sistema sa tuwing siya ay lalabas ng paaralan sa oras ng uwian. Sa pamamagitan din ng sistemang ito, mababawasan ang bigat ng trabaho ng mga kaguruan dahil magiging madali na ang pagmomonitor nila sa attendance ng kanilang eskwela. Magagamit din nila ito sa pagpapalaganap ng mensahe para sa mga patawag ng meetings, kanselasyon ng klase at iba pang anunsyo ng paaralan.
Simula pa lamang po ito, sa susunod pong taon ay maglalaan po ulit tayo ng pondo para sa iba pang paaralan sa ating bayan. Unti unti, pero tuloy tuloy.
Sa ngalan ng Epektibo at Garantisadong Paglilingkod...
Para sa kabataang Alitagtagueño!
Para sa Bayang Matatag!
0 Comments