Ngayong araw ay ating isinagawa ang Cash Assistance Distribution para sa 1,019 miyembro ng Local 4Ps ng ating bayan para sa buwan ng Nobyembre at Disyembre. Tumanggap naman ang 100 Senior Citizens ng kanilang Local Pension para sa 2nd to 4th quarter ng taong ito. Ito ay pinangunahan ng inyong lingkod kasama ang ating Ikalawang Punongbayan, Kgg. Manuel E. Abrigo
Ang Lokal na Pantawid Pamilyang Pilipino - Alitagtagueño Program ay isang programa ng lokal na pamahalaan na may layuning dugtungan ang pinansyal na pangangailangan ng mga mahihirap na mamamayan. Ito ay local counterpart ng 4P'S ng DSWD kung saan ay mas pinalawak ang sakop ng ayuda at mas pinadali ang batayan upang sa gayon ay mas marami ang matulungang pamilyang Alitagtagueño.
0 Comments