Sa aking pag-upo bilang Ama ng ating Bayan, kasama ang mga myembro ng Sangguniang Bayan, isa sa mga binigyan namin ng pansin ang paglalaan ng pondo para sa kapakanan ng ating mga Senior Citizens. Isa nga sa mga ito ay ang Local Social Pension Program. Kamakailan, naipamahagi natin ang social pension para sa 100 lolo’t lola dito sa ating bayan. Ito ang munting tugon ng ating Lokal na Pamahalaan sa kakulangan ng alokasyon ng pamahalaang nasyonal para sa ganitong uri ng programa. Bagamat limitado ang ating kakayahan dahil sa maliit na pondo, hindi naman po tayo tumitigil na paghahatid ng Epektibo at Garantisadong Paglilingkod sa mga Alitagtagueños at pagsasagawa ng mga programang direktang nakakatulong sa ating mga kababayan.
0 Comments