𝐒𝐈𝐗𝐓𝐇 𝐒𝐔𝐏𝐄𝐑 𝐓𝐘𝐏𝐇𝐎𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝟐𝟎𝟐𝟒!



 𝐒𝐈𝐗𝐓𝐇 𝐒𝐔𝐏𝐄𝐑 𝐓𝐘𝐏𝐇𝐎𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝟐𝟎𝟐𝟒!

🌀⚠️
Lumakas at isa nang ganap na SUPER TYPHOON ang Bagyong #PepitoPH (#ManYi) ayon sa PAGASA.
Taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kph at pagbugsong umaabot sa 230 kph. Kumikilos ito West Northwest sa bilis na 25 kph.
Dahil sa paglakas ng bagyo bilang SUPER TYPHOON, inaasahang itataas na ang SIGNAL NO. 5 sa lugar na posibleng direktang daanan ng sentro ng bagyo partikular sa #Catanduanes sa #BicolRegion sa mga susunod na oras.
Patuloy itong kumikilos papalapit sa #BicolRegion at inaasahang mararamdaman na ang bagsik simula mamayang hapon.
Ibayong pag-iingat po sa mga kababayan nating maaapektuhan ng bagyo lalo na sa #BicolRegion, #EasternVisayas, #CALABARZON, #MetroManila, #CentralLuzon, at ilang bahagi ng #NorthernLuzon.

Post a Comment

0 Comments