𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢
Ayon sa forecast ng PAGASA, inaasahang tatahak sa malaking bahagi ng Luzon ang Tropical Storm Man-Yi (#PepitoPH) sa darating na weekend.
Mas mainam na maghanda at tiyaking handa ang inyong pamilya at komunidad bago pa man dumating ang bagyo. Mahalaga ang maagap na paghahanda upang mapababa ang mga posibleng epekto ng bagyo at matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.
Narito ang ilang mga hakbang na maaaring gawin bago dumating ang bagyo.
0 Comments