𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄: Lumakas pa at inaasahang magiging SUPER TYPHOON na ang bagyong #PepitoPH (#ManYi) habang papalapit sa #BicolRegion at #EasternVisayas sa mga susunod na oras.
Taglay na ngayon ng bagyo ang napakalakas na hangin na umaabot sa 175 kph at mapaminsalang bugso ng hangin na umaabot na sa 250 kph. Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 20 kph.
Inaasahang magla-landfall na ito sa bahagi ng #Catanduanes mamayang gabi at inaasahang mararamdaman na ang bagsik nito sa buong #BicolRegion at #EasternVisayas habang papalapit ang bagyo simula mamayang hapon hanggang bukas. Magsisimula na rin itong maramdaman simula bukas sa #CALABARZON, #MetroManila, partikular sa #CentralLuzon at #NorthernLuzon landmass kung saan ito inaasahang tatawid sa hapon hanggang gabi ng Linggo.
Inaasahang magdadala ang bagyo sa mga nabanggit na lugar ng mapaminsalang hangin at matitinding buhos ng ulan na maaaring magdulot din ng malawakang mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Patuloy po itong PAGHANDAAN ng ating mga kababayan lalo na ang mga pinakadadaanan ng sirkulasyon ng bagyo dahil hindi po biro ang dala-dala nitong hangin at ulan.
Manatiling mag-monitor ng mga susunod pang update
0 Comments