Agosto 27, 2025, ang selebrasyon ng 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 sa Distrito ng Alitagtag.


Sa temang “𝐏𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚: 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐬𝐚,” matagumpay na idinaos kahapon, Agosto 27, 2025, ang selebrasyon ng 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 sa Distrito ng Alitagtag. 

Ang makabuluhang pagdiriwang na ito ay naisakatuparan sa inisyatibo ng 𝐊𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚𝐫𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐄𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 – 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐀𝐥𝐢𝐭𝐚𝐠𝐭𝐚𝐠 sa pangunguna ni 𝐏𝐚𝐦𝐩𝐮𝐫𝐨𝐤 𝐓𝐚𝐠𝐚𝐦𝐚𝐬𝐢𝐝 𝐃𝐫. 𝐌𝐚𝐫𝐲 𝐉𝐚𝐧𝐞 𝐌. 𝐆𝐨𝐧𝐳𝐚𝐥𝐞𝐬, katuwang ang 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐠𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐁𝐛. 𝐋𝐞𝐨𝐧𝐚𝐫𝐝𝐚 𝐌𝐚𝐮𝐥𝐞𝐨𝐧. Kaagapay rin sa nasabing gawain ang ating Pamahalaang Lokal sa pangunguna ng inyong lingkod, 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐉𝐨-𝐀𝐧𝐧 𝐁. 𝐏𝐨𝐧𝐠𝐠𝐨𝐬, kasama sina 𝐆. 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬 𝐌. 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐥𝐢𝐧𝐜𝐚𝐠 (𝐓𝐨𝐮𝐫𝐢𝐬𝐦, 𝐂𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐫𝐭𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫) at 𝐆. 𝐖𝐢𝐧𝐢𝐟𝐫𝐞𝐝 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐧𝐚𝐧 (𝐁𝐮𝐝𝐠𝐞𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫).

Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng mga guro, mag-aaral mula sa iba’t ibang mababang paaralan ng Alitagtag, mga piling-bata mula sa Alitagtag National High School at Alitagtag Senior High School ganun din po sa mga magulang na buong pusong nakiisa at nakibahagi sa makabuluhang pagdiriwang na ito.

Sama-sama po tayo sa layunin ng selebrasyong ito na 𝐡𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐬𝐚 𝐰𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐰𝐢𝐤𝐚 bilang mahalagang bahagi ng ating 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚, at 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 bilang isang bansa 🇵🇭

#BuwanNgWika2025
#PUSOngEpektiboAtGarantisadongPaglilingkod

Post a Comment

0 Comments