Kanina August 22, 2025 ay ginanap ang presentasyon ng 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐬𝐭𝐢𝐜𝐬 𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 (𝐏𝐒𝐀) 𝐑𝐒𝐒𝐎 𝐈𝐕-𝐀 – 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬 sa paunang resulta ng 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲-𝐁𝐚𝐬𝐞𝐝 𝐌𝐨𝐧𝐢𝐭𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 (𝐂𝐁𝐌𝐒) sa Bayan ng Alitagtag.
Nakasama po natin si 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐬𝐭𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐀𝐧𝐚𝐥𝐲𝐬𝐭 𝐌𝐞𝐥𝐥𝐢𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐭𝐨𝐳𝐚 at tinalakay niya ang mga pangunahing resulta mula sa survey. Mahalaga ang mga impormasyong ito dahil 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐥𝐛𝐢 𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐋𝐨𝐤𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 sa pagbuo ng mga programang mas makakatugon sa tunay na pangangailangan ng bawat Alitagtagueño.
Ang 𝐂𝐁𝐌𝐒 ay isang mahalagang 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐧𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧, 𝐞𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐚𝐭 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐩𝐞𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐮𝐦𝐮𝐡𝐚𝐲. Sa tulong ng mga datos na ito, mas mapapalakas ang mga proyekto at polisiya na magsusulong ng mas maunlad, mas ligtas, at mas inklusibong bayan.
Sama-sama nating suportahan ang mga programang nakabatay sa tamang impormasyon, para sa isang mas maayos at mas maunlad na Bayan ng Alitagtag!
#PUSOngEpektiboAtGarantisadongPaglilingkod
0 Comments