𝗖𝗛𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗡𝗔𝗥𝗥𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗢𝗡 𝗦𝗨𝗜𝗖𝗜𝗗𝗘




𝗖𝗛𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗡𝗔𝗥𝗥𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗢𝗡 𝗦𝗨𝗜𝗖𝗜𝗗𝗘

Ang araw na ito ay paalala sa ating lahat na mahalaga ang bawat buhay. Mahalaga ka. 

Minsan, sa isang tanong lang kung “Kumusta ka?," malaki na ang magagawa nito, lalo't higit kung sasamahan pa natin ng pakikinig at malalim na pang-unawa. Sa pamamagitan nito, maaari tayong makapagpagaan ng saloobin o damdamin ng iba. Ang simpleng pakikinig natin sa iba ay pwedeng maging simula ng panibagong pag-asa.

Bawat isa, kung mayroong pusong bukas at handang makinig at umunawa, matitiyak natin ang pagkakaroon ng safe spaces para sa lahat, walang panghuhusga, tanging pagmamahal lamang at pagkalinga.

Kaugnay nito, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Health Office, ay nakikiisa sa obserbasyon ng 𝑾𝒐𝒓𝒍𝒅 𝑺𝒖𝒊𝒄𝒊𝒅𝒆 𝑷𝒓𝒆𝒗𝒆𝒏𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑫𝒂𝒚 ngayong 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟱.

Sa #MatatagNaBatangas, matatag din ang mga programang nakasentro sa kalusugang pangkaisipan. Sa serbisyong may #TalinoAtPuso ni Governor Vilma Santos-Recto, #KalusuganMoNumber1SaPusoKo! 

#MatatagNaKalusugan

#BawatBuhayMahalaga

#HEARTSProgram

Post a Comment

0 Comments