UNDAS 2025 ROUTE PLAN – ALITAGTAG, BATANGAS






October 31, Novermber 1 & 2, 2025

Layunin ng rutang ito na maging maayos, ligtas, at organisado ang daloy ng trapiko at pagpasok ng mga bisita sa Alitagtag Public Cemetery ngayong Undas 2025.

RUTA AT DALOY NG SASAKYAN

PANSAMATALA PONG SARADO ANG ENTRANCE NA DAAN PATUNGO SA ALITAGTAG MUNICIPAL COMPOUND

Main Entry Point

Ang lahat ng papasok na sasakyan patungong sementeryo ay dadaan sa EXIT ng Alitagtag Municipal Compound

One way entry only ito para maiwasan ang sikip ng trapiko.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagparking – ito ay No Parking Zone. Maari pong pumasok ang mga pribadong sasakyan mula 6 AM hanggang 3 PM sa loob ng sementeryo kaya hinihikayat po namin na pumunta ang mga Seniors at PWD ng maaga upang makaiwas sa di inaasahang abala. Hinihinginpo namin ang inyong pang unawa.

Drop-Off Area sa likod ng MDRRMO Operations Center.

Matatagpuan sa exit ng Alitagtag Municipal Hall ang Drop-Off Area para sa mga pasaherong ibinababa at makalipat sa Libreng Sakay na iikot papasok at palabas ng sementeryo.

One Way Exit Route

Pagkatapos maibaba ang pasahero, one way exit only palabas ng sementeryo patungo sa kalsadang pa-kanan tungong binukalan shrine.

Dadaan sa likod na bahagi ng Alitagtag Public Cemetery palabas ng Libreng Sakay Exit. Maari din mag exit sa daan patungo sa Adajar residence.

Libreng Sakay (Free Ride Service)

Mayroong “Libreng Sakay” na maghahatid mula sa Drop-Off Area papunta sa mismong sementeryo.

Parking Area

Ang mga magdrop off na sasakyan ay may parking ay itinalaga sa bahagi ng daan papuntang Binukalan Shrine at sa isang gilid lamang (One Side Parking) ng kalsada. Mayroon din naghihintay na Libreng Sakay sa Parking Area.

Ang mga traffic enforcer at barangay tanod ay magbabantay sa bawat intersection.

MGA TAONG NAKADEPLOY

Alitagtag PNP at Traffic Enforcers – para sa daloy ng sasakyan at pedestrian safety.

Barangay Tanod – magbibigay gabay at seguridad.

Medical Team – nakaantabay sa Drop-Off Area at ICP para sa anumang emergency.

Alitagtag MDRRMO Operations Center (OpCen) – sentro ng koordinasyon at komunikasyon.

 PAALALA

Iwasan ang double parking at pagsuway sa mga one-way signs.

Sumunod sa mga traffic enforcer at tanod para sa mabilis na daloy ng mga tao at sasakyan.

Magdala ng tubig, payong, at  bag ng basura upang mapanatiling malinis at maayos ang lugar.

MARAMING SALAMAT PO.

Post a Comment

0 Comments