𝐏𝐀𝐒𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀𝐆𝐓𝐀𝐆𝐔𝐄Ñ𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐢𝐬 𝐟𝐢𝐧𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐡𝐞𝐫𝐞!


Ang Lokal na Pamahalaan ng Alitagtag ay buong pusong nagdiriwang ng taunang tradisyong ito. Ito ay isang gabi ng kasiyahan, pagkakaisa, at pasasalamat. Sa gitna ng makukulay na ilaw, masiglang musika, at mga natatanging pagtatanghal, nawa’y manatili sa ating mga 𝐏𝐔𝐒𝐎 ang tunay na kahulugan ng Pasko: pagmamahalan, kapayapaan, at pagkakabuklod bilang isang komunidad.

Ngayong darating na December 9, ika-5 ng hapon, sabay-sabay nating pagningasin ang diwa ng Pasko sa 𝐏𝐔𝐒𝐎 ng bawat Alitagtagueño! 

Inaanyayahan po namin kayo na makiisa at makisaya sa 𝐏𝐚𝐬𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐥𝐢𝐭𝐚𝐠𝐭𝐚𝐠𝐮𝐞ñ𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟓 na may temang 𝐏𝐮𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐤𝐨: 𝐀 𝐉𝐨𝐲𝐟𝐮𝐥, 𝐁𝐥𝐞𝐬𝐬𝐞𝐝, 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐞𝐚𝐜𝐞𝐟𝐮𝐥 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧!

#ALITAGTAGPailaw2025 #PusoNgPasko #PaskongAlitagtagueño2025
#PUSOngEpektiboAtGarantisadongPaglilingkod

Post a Comment

0 Comments