𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎 𝐍𝐆 𝐌𝐔𝐍𝐈𝐒𝐈𝐏𝐘𝐎






Patuloy na hinahatid ng Pamahalaang Bayan ng Alitagtag ang mga libreng serbisyong may puso at tunay na malasakit para sa bawat mamamayan. Bilang patunay ng tapat, patas, at hindi pamumulitikang serbisyo publiko, bukas at maaaring magamit o mahiram nang walang anumang bayad ang ilang kagamitang at serbisyong panmunisipyo para sa kapakanan ng buong komunidad.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

Tent para sa anumang okasyon

• Libreng dinideliver, ikinakabit, at kinakalas ng mga kawani ng munisipyo

Traktora para sa mga lupang sakahan

• Tulong sa pagsasaka ng ating maliliit na magsasaka

• Suporta sa pagpapaunlad ng agrikultura at pagpapataas ng produksyon at ani

Backhoe para sa pagsasaayos ng lupa

• Para sa mga pangangailangang may kinalaman sa lupa at sa pagpapabuti ng kalagayan ng komunidad

Ambulansya para sa serbisyong medikal

• Magagamit anumang oras na kailangan

• Libreng gasolina at hatid sa alinmang ospital

Ang mga serbisyong ito ay accessible sa lahat, walang pinipili at walang hinihinging kapalit. Layunin ng munisipyo na magbigay ng sagad na tulong upang mapagaan ang pasanin ng mga mamamayan at agarang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Para sa mga nais mag-request, maaari lamang magtungo sa Tanggapan ng Punong Bayan upang makapag-request o I-message lamang ang aming page para sa inyong request upang mabigyan ng tamang impormasyon at agarang tulong mula sa kinauukulang tanggapan.

Ito ang malinaw na patunay na ang pondo ng bayan ay para sa taong-bayan, at ang pamahalaan ay naririto upang maglingkod nang may malasakit, may dangal, at may PUSO.

Ito ang diwa ng tunay na serbisyo publiko.

Ito ang serbisyong ramdam ng bawat Alitagtagueño.

#PUSOngEpektiboAtGarantisadongPaglilingkod


Post a Comment

0 Comments