𝐓𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭𝐢𝐧𝐞’𝐬 𝐃𝐚𝐲, 𝐤𝐮𝐦𝐮𝐬𝐭𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐨 𝐦𝐨?





Malungkot man o masaya, huwag ka mag-alala! Gaya ng Chinese New Year, may bagong simula at bagong pag-asa na naghihintay para sa atin. Ito rin ay paalala na kahit ilang beses na mabigo ang ating mga puso, marami pa ring pagkakataon na tayo ay patuloy na sasaya.  

𝐊𝐚𝐲𝐚, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚 𝐡𝐮𝐥𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭! Narito ang Epektibo at Garantisadong Paglilingkod na patuloy na magbibigay saya sa bawat PUSO ng Alitagtagueño!

Isang tao na minahal at patuloy na minamahal sa bayan ng Alitagtag ang magdiriwang ng kanyang kaarawan sa darating na February 24, 2026. Ang aking kabiyak sa tahanan at sa paglilingkod sa ating bayan, dating Punong Bayan, Mayor Edilberto "Dingdong" Ponggos.

Kung kaya’t aming inihahandog “Eksklusibo para sa mga Mag-aaral na Alitagtagueno" partikular ang mga 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐚𝐭 𝐊𝐨𝐥𝐞𝐡𝐢𝐲𝐨 𝐧𝐚 𝐥𝐞𝐡𝐢𝐭𝐢𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠𝐚-𝐀𝐥𝐢𝐭𝐚𝐠𝐭𝐚𝐠 na nag-aaral sa Alitagtag at kahit sa ibang paaralaan sa labas ng Alitagtag, ang masayang paraan ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan para sa mas pinahabang saya ng araw ng mga puso at magdadala ng swerte gaya ng Chinese New Year! 

Ang lahat ng SHS at Kolehiyong Alitagtagueño ay buong pusong inaanyayahan na makilahok at makisaya sa gaganaping online raffle na may iba’t-ibang papremyo. 

𝐓𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐑𝐀𝐍𝐃 𝐍𝐄𝐖 𝐋𝐀𝐏𝐓𝐎𝐏𝐒 ang kabilang sa mga ipaparaffle. Ito ay mga educational tools na layuning makatulong sa mga kabataan sa kanilang pag-aaral.

Sapagkat mas masaya ang kaarawan kung nakakapagbahagi tayo sa iba, at ito ay mas makabuluhan kung nagiging daan upang masuportahan ang kinabukasan ng ating kabataan.

𝑨𝒏𝒐 𝒑𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒊𝒉𝒊𝒏𝒕𝒂𝒚 𝒎𝒐? 𝑩𝒂𝒌𝒂 𝒑𝒖𝒔𝒐 𝒎𝒐 𝒏𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒔𝒂𝒚𝒂 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒔𝒖𝒔𝒖𝒏𝒅𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒆𝒄𝒉𝒂𝒏𝒊𝒄𝒔 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒔𝒂 𝒊𝒃𝒂𝒃𝒂 𝒂𝒕 𝒃𝒂𝒌𝒂 𝒊𝒌𝒂𝒘 𝒏𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒔𝒘𝒆𝒓𝒕𝒆𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒃𝒖𝒏𝒐𝒕 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒑 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒂𝒑𝒓𝒆𝒎𝒚𝒐.

#EGP49

#DingdongPonggosBirthdaySpecial

Post a Comment

0 Comments