Malugod ko pong ibinabahagi sa ating mga kababayang Alitagtagueño ang gaganaping 𝐎𝐩𝐭𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 – 𝐒𝐚𝐠𝐢𝐩 𝐌𝐚𝐭𝐚 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝟐𝟎𝟐𝟔 bilang bahagi ng Ika-Tatlong Taong Anibersaryong Aktibidad ng Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles Inc. (CALABARZON Batangas Region II) sa Pebrero 24, 2026, ika-7:30 ng umaga, sa Alitagtag Covered Court.
Para sa maagang pagpaparehistro, mangyaring sagutan ang Google Form sa link na ito:
https://forms.gle/d1WuVfiUUAV4mQd36
Ang nasabing aktibidad ay pinangungunahan nina Eagle Ismael Arada, Club President ng Cuenca Maculot Eagles Club; Eagle Ceferino M. Arago Jr., Club President ng Malvar Batangas Eagles Club at Vice Governor; at Eagle Nestor A. Panaligan, Regional Governor. Ito ay isinasagawa katuwang ang Municipal Government of Alitagtag katuwang sina Eagle Dingdong Ponggos at Eagle John Albert Sandoval at Alay Kalusugan ng Pamilyang Pilipino Inc.
Layunin ng programang ito na magbigay ng mga sumusunod na serbisyo:
• 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐞𝐲𝐞 𝐜𝐡𝐞𝐜𝐤-𝐮𝐩
• 𝐓𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐬𝐞𝐫 𝐂𝐚𝐭𝐚𝐫𝐚𝐜𝐭 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧
• 𝐏𝐭𝐞𝐫𝐲𝐠𝐢𝐮𝐦 𝐑𝐞𝐦𝐨𝐯𝐚𝐥
• 𝐈𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐚
• 𝟔𝟎% 𝐝𝐢𝐬𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭 𝐬𝐚 𝐟𝐫𝐚𝐦𝐞 𝐚𝐭 𝐥𝐞𝐧𝐬
Isa itong makabuluhang inisyatiba na nagpapakita ng patuloy na malasakit sa kalusugan ng bawat pamilyang Alitagtagueño, sapagkat ang malinaw na paningin ay mahalaga sa mas maayos at produktibong pamumuhay.
#PUSOngEpektiboAtGarantisadongPaglilingkod
#SagipMataProgram2026
0 Comments