𝐒𝐚𝐟𝐞𝐫 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐞𝐭 𝐃𝐚𝐲 (𝐒𝐈𝐃) 𝐟𝐨𝐫 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝𝐫𝐞𝐧 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬







Makiisa sa pagdiriwang ng 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐫 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐞𝐭 𝐃𝐚𝐲 (𝐒𝐈𝐃) 𝐟𝐨𝐫 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝𝐫𝐞𝐧 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬 sa darating na 𝐢𝐤𝐚-𝟏𝟎 𝐧𝐠 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔!
Ang 𝐒𝐈𝐃 ay isang internasyonal na pagdiriwang na isinasagawa taun-taon upang 𝐢𝐬𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐚𝐭 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐚𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐞𝐭 𝐥𝐚𝐥𝐨 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧. Mula nang ilunsad ito noong 2004, higit sa 100 na bansa na ang nakiisa sa pagdiriwang ito upang palaganapin ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng digital literacy at online safety. Sa Pilipinas, ang SID ay opisyal na kinikilala ng 𝐏𝐫𝐨𝐤𝐥𝐚𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐁𝐥𝐠. 𝟒𝟏𝟕 na idinidedeklara ang ikalawang martes ng Pebrero bilang Safer Internet Day para sa mga Batang Pilipino.
Ang tema ng taong ito na, “𝐀𝐤𝐨, 𝐈𝐤𝐚𝐰, 𝐓𝐚𝐲𝐨: 𝐊𝐨𝐧𝐞𝐤𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐚𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐎𝐒𝐀𝐄𝐂 𝐚𝐭 𝐂𝐒𝐀𝐄𝐌”, ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng sama-samang pagtutulungan ng buong bansa upang lumikha ng mas ligtas na digital space para sa kabataang Pilipino.
Magkaisa tayo upang itaguyod ang online safety sa pamamagitan ng paghihikayat ng responsableng paggamit ng internet at pagtugon sa mga hamon at oportunidad ng digital world para sa mga batang Pilipino.
Sama-sama nating gawing mas ligtas ang internet para
sa lahat!
#SIDPH2026
#saferinternet4kids 
#PUSOngEpektiboAtGarantisadongPaglilingkod

Post a Comment

0 Comments