Malugod kong ibinabahagi sa ating mga kababayang Alitagtagueño na magkakaroon din tayo ng Medical and Dental Mission sa Pebrero 24, 2026, 7:30 ng umaga, sa Alitagtag Covered Court kasabay ang Optical Mission – Sagip Mata Program 2026. Ang aktibidad na ito ay handog ng Pamahalaang Bayan ng Alitagtag katuwang ang Provincial Health Office.
Upang makapagparehistro nang maaga, mangyaring punan ang Google Form sa link na ito:
https://forms.gle/RTgkjsek52YRoJJ98
Ang programang ito ay naglalayong maghatid ng mga sumusunod na serbisyo:
💊𝗠𝗘𝗗𝗜𝗖𝗔𝗟
✅Free consultation, Medicine, FBS (Fasting Blood Sugar)/RBS (Random Blood Sugar)
🦷𝗗𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟
✅Free Oral Prophylaxis (Linis ng ngipin)
Isa itong hakbang na nagpapakita ng ating patuloy na malasakit sa kalusugan ng bawat pamilyang Alitagtagueño, sapagkat ang maayos na kalusugan ang pundasyon ng isang masigla, produktibo, at maunlad na pamayanan. Patuloy po tayong magkaisa para sa isang mas malusog na Alitagtag.
#PUSOngEpektiboAtGarantisadongPaglilingkod
#MedicalandDentalMission
0 Comments