Isinagawa ngayong umaga ang Medical and Dental Mission ng Pamahalaang Bayan ng Alitagtag katuwang ang Provincial Health Office, sa pangunguna ni Dr. Gerald Alday, OIC – Provincial Health. Taos-PUSO po kaming nagpapasalamat kay Governor Vilma Santos-Recto sa patuloy na suporta sa mga programang pangkalusugan ng lalawigan. Isinabay rin ang Optical Mission – Sagip Mata Program 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-tatlong anibersaryo ng Fraternal Order of Eagles, Inc.. sa pangunguna ni Eagle Nestor A. Panaligan — Regional Governor, CALABARZON Batangas Region III kasama ang iba pang miyembro ng Eagles.
Nagbigay rin ng mensahe ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan, kabilang sina Konsehal Ruben Ilagan, Konsehal Boyet Sandoval, at Konsehal Mirro Macalintal.
Nakiisa rin sa aktibidad ang Alitagtag Rural Health Unit sa pangunguna ni Dr. Flordeliza Castillo, katuwang ang Bauan Medical Society, gayundin ang Unilab na nagkaloob ng iba’t ibang gamot para sa ating mga kababayan.
Isinasagawa ang gawaing ito sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang katuwang na organisasyon at mga lingkod-bayan na nagkakaisa upang maihatid ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan.
#PUSOngEpektiboAtGarantisadongPaglilingkod
0 Comments