Gabi ng Kababaihan

 



Bukas na! Kita-kits sa Gabi ng Kababaihan!

Inaanyayahan ko po ang lahat na makiisa sa Gabi ng Kababaihan na gaganapin bukas, Marso 14, 2026, simula 5:00 ng hapon sa Alitagtag Covered Court.

Inihahandog ng Liga Alitagtagueña, sa pakikipagtulungan ng Municipal Women’s Coordinating Council (MWCC) at ng Local Government Unit of Alitagtag, ang isang makulay at masayang gabi ng selebrasyon para sa ating komunidad.

Magsuot ng inyong pinakamakinang at makukulay na kasuotan dahil may Best Dressed Award na naghihintay! 🎉

May nakahandang meryenda at inumin, at huwag kalimutang magdala ng sariling water tumbler.
Kita-kits bukas, mga Alitagtagueños! Sama-sama nating ipagdiwang ang lakas, galing, at kagandahan ng bawat isa. 💜

#PUSOngEpektiboAtGarantisadongPaglilingkod
#WomensMonth2026
#AlitagtagGabiNgKababaihan2026


Post a Comment

0 Comments