Public Advisory: 𝟒-𝐃𝐀𝐘 𝐎𝐍𝐒𝐈𝐓𝐄 𝐖𝐎𝐑𝐊 𝐀𝐑𝐑𝐀𝐍𝐆𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓

 



Ipinapaalam ko po na alinsunod sa Memorandum Circular No. 114, s. 2026 na inilabas ng Office of the President, ipatutupad ang temporaryong 𝟒-𝐃𝐀𝐘 𝐎𝐍𝐒𝐈𝐓𝐄 𝐖𝐎𝐑𝐊 𝐀𝐑𝐑𝐀𝐍𝐆𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 sa mga tanggapan ng pamahalaan, kabilang ang mga Local Government Units (LGUs), State Universities and Colleges (SUCs), at iba pang ahensya ng gobyerno.

Kaugnay nito, ang oras ng operasyon ng ating mga tanggapan sa lokal na pamahalaan ay magiging 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi, mula Lunes hanggang Huwebes.

Gayunman, hindi po saklaw ng nasabing kautusan ang mga opisina at kawani na nagbibigay ng essential at vital services upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng mahahalagang serbisyo sa ating mamamayan.

Ang implementasyon nito ay magsisimula sa Marso 9, 2026 at mananatiling epektibo hanggang sa ito ay bawiin o amyendahan ng ating Pangulo. Ang hakbang na ito ay bahagi ng mga pansamantalang tugon ng pamahalaan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

#PUSOngEpektiboAtGarantisadongPaglilingkod



Post a Comment

0 Comments