SINSAY TRADE FAIR 2026

 



๐€๐‹๐ˆ๐“๐€๐†๐“๐€๐†, ๐ˆ๐Š๐€๐“๐‹๐Ž๐๐† ๐๐”๐–๐„๐’๐“๐Ž ๐’๐€ ๐Ÿ‘๐‘๐ƒ ๐’๐‹๐ ๐๐€๐“๐€๐๐†๐€๐’ ๐€๐๐๐”๐€๐‹ ๐“๐‘๐€๐ƒ๐„ ๐…๐€๐ˆ๐‘! ๐Ÿงก

Nakamit ng Bayan ng Alitagtag ang 3rd Place sa ginanap na 3rd SLP Batangas & LGU Mataas Na Kahoy Annual Trade Fair sa Bayan ng Mataas Na Kahoy, kung saan tampok ang pinakamalaking tipunan ng mga produktong likha ng mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DWSD).

Sa ilalim ng temang “SINSAY: Sama-samang Iaangat, Negosyong Susulong at Yayabong,” ipinakita ng iba’t ibang bayan sa Batangas Province ang kanilang mga produktong sumasalamin sa sipag, galing, at pagkamalikhain ng ating mga lokal na negosyante.

Pinangunahan ang partisipasyon ng Alitatag ng Fields of Golds SLP Association sa panguguna ni Ms. Emilia Delos Santos, na patuloy na nagsusulong ng mga produktong lokal at kabuhayan ng ating mga kababayan. 

Isang karangalan para sa Alitagtag ang pagkilalaning ito, patunay ng patuloy na pagsisikap na maiangat ang kabuhayan at maitaguyod ang mga produktong lokal ng ating mga kababayan. ๐Ÿ‘

#PUSOngEpektiboAtGarantisadongPaglilingkod


Post a Comment

0 Comments