𝐀𝐥𝐢𝐭𝐚𝐠𝐭𝐚𝐠𝐮𝐞ñ𝐨𝐬, 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐧𝐚 𝐛𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐨?
Ihanda na ang inyong mga ngiti at palakpakan dahil ngayong Marso, mas masaya, mas makulay, at mas makabuluhan ang ating pagdiriwang dito sa ating bayan!
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, raririto ang iba’t ibang aktibidad na magbibigay-pugay sa mahalagang papel ng kababaihan sa ating komunidad.
Sa temang “We: Gender Equality, Inclusive Society,” sama-sama nating itinataguyod ang isang lipunang pantay, makatarungan, at inklusibo para sa lahat. Naniniwala tayo na ang bawat Alitagtagueñang babae ay may taglay na lakas, talino, at pusong handang maglingkod at magbigay-inspirasyon.
Inaanyayahan ko ang lahat na abangan at suportahan ang mga aktibidad na inihanda ng Lokal na Pamahalaan ng Alitagtag katuwang ang Alitagtag People’s Council at Municipal Women’s Coordinating Council. Ang inyong panonood at pakikilahok ay mahalaga upang ating maipakita ang tunay na halaga ng kababaihan sa ating lipunan.
Sama-sama nating ipagdiwang ang LAKAS at PUSO ng kababaihan na patuloy na nagbibigay-inspirasyon at pag-asa sa ating bayan.
Mabuhay ang kababaihan! Mabuhay ang Alitagtag! 💜
#PUSOngEpektiboAtGarantisadongPaglilingkod
#WomensMonthCelebration2026
0 Comments