Announcement | National Police Clearance, NOW AVAILABLE!

 



Magandang balita, mga Alitagtagueños!

Ipinababatid ng Alitagtag Municipal Police Station sa ating mga mamamayan na maaari na po kayong kumuha ng inyong National Police Clearance sa kanilang tanggapan. Layunin ng Lokal na Pamahalaan, sa pakikipag-ugnayan sa Alitagtag MPS, na mas mapadali at mapalapit ang serbisyong ito sa bawat Alitagtagueño.

Narito po ang proseso ng pagkuha ng National Police Clearance:

1. 𝐎𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐀𝐩𝐩𝐥𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐩𝐩𝐨𝐢𝐧𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭

✅Register
✅Sign in
✅Fill out Form
✅Set Appointment
✅Select Mode of Payment

𝗜-𝗰𝗹𝗶𝗰𝗸 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗻𝗸 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴-𝗿𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗼 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴-𝗹𝗼𝗴 𝗶𝗻: https://pnpclearance.ph

2. 𝐎𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐏𝐚𝐲𝐦𝐞𝐧𝐭

Pumili ng Payment Option at magbayad sa napiling payment channel. Siguraduhing may:
✅Payment Confirmation Slip
✅Electronic Official Receipt (OR)

3. 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐞 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧

✅Pumunta sa napiling police station sa araw ng appointment
✅Ipakita ang proof of payment (OR)
✅Magdala ng kahit isang valid ID
✅Isagawa ang biometrics (Photo, Signature, at Fingerprint)

4. 𝐕𝐞𝐫𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧

May HIT – Walang ilalabas na clearance
Walang HIT – Maaaring makuha ang clearance

𝙋𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖: 𝘼𝙣𝙜 “𝙃𝙄𝙏” 𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙜𝙖𝙝𝙪𝙡𝙪𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙮 𝙠𝙖𝙝𝙖𝙬𝙞𝙜 𝙨𝙖 𝙧𝙚𝙘𝙤𝙧𝙙 𝙣𝙜 𝙋𝙉𝙋 𝙖𝙩 𝙠𝙞𝙣𝙖𝙠𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙚𝙧𝙞𝙥𝙞𝙠𝙖𝙝𝙞𝙣, 𝙠𝙖𝙮𝙖 𝙢𝙖𝙖𝙖𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙖𝙣𝙩𝙖𝙡𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙡𝙖𝙗𝙖𝙨 𝙣𝙜 𝙘𝙡𝙚𝙖𝙧𝙖𝙣𝙘𝙚.

Ito po ay bahagi ng ating layuning mailapit ang serbisyong pampubliko sa bawat mamamayan—mas mabilis, mas maayos, at mas maaasahan.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari po kayong magtungo o makipag-ugnayan sa Alitagtag Municipal Police Station.

Maraming salamat po!
#PUSOngEpektiboAtGarantisadongPaglilingkod


Post a Comment

0 Comments