Public Advisory | Temporary Closure of R. Bautista Street (Exit Road)

 


Ipinababatid po sa lahat ang pagpapatupad ng Executive Order No. 19, s. 2026, na naglalayong matiyak ang maayos, ligtas, at organisadong daloy ng trapiko kaugnay ng pagdiriwang ng ating kapistahan sa Bayan ng Alitagtag.

Alinsunod dito, pansamantala pong isasara ang R. Bautista Street (Exit Road) mula Mayo 5, 2026 hanggang Mayo 8, 2026. Bilang alternatibong ruta, maaari pong dumaan ang mga motorista sa M. Caringal Barangay Road patungong Kapitan Ponso Street.

Ang hakbang na ito ay isinasagawa upang higit na mapangalagaan ang kapakanan ng bawat mamamayan at matiyak ang maayos na pagdaraos ng ating taunang pista. Hinihiling ko po ang inyong pang-unawa, pakikiisa, at patuloy na kooperasyon.

Maraming salamat po at nawa’y maging ligtas, maayos, at makabuluhan ang ating pagdiriwang. 🎉

#PUSOngEpektiboAtGarantisadongPaglilingkod


Post a Comment

0 Comments